SINO

Grab Photo from Alphamenasia: Winning the Beak Up

Sino nga ba ang dapat sisihin?

Sila na halos ipagtulukan tayo para magkaayos lamang,

Siya na halos lumayo para mabigyan tayo ng oras sa isa’t isa,

Isip na gulong-gulo dahil hindi alam ang gagawin,

Puso na nahihirapan na at hindi na kayang lumaban pa.

……

Ano nga ba ang nangyari?

Sa mga pangako na tila hangin na biglang nawala,

Sa pagsusuyuan na tila wala nang tamis at naging masama ang lasa,

Sa saya na tila ubos na at hindi na maiibabalik pa,

Sa pagmamahal na tila natupok ng apoy at nawala na parang bula.

……

Siguro nga ako ang dapat sisihin kung bakit nagkaganito,

Hindi ko kayang ipaglaban at suklian ang pagmamahal mo,

Hindi ko kayang ipagsigawan sa lahat ang nararamdaman ko,

Ngunit sinubukan ko ang lahat ngunit kulang parin ito.

……

Patawarin mo ako dahil hindi ko’rin ito ginusto,

Ngunit alam ko sa pangyayaring ito dito tayo magiging buo,

Magsimula tayo sa sarili nating bagong yugto,

At alam ko kung tayo talaga tayo parin ang magtatagpo.

3 thoughts on “SINO

  1. </3 love sometimes its not only holding on sometimes its better of letting go ,:)

    Like

Leave a Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s