TABING DAGAT Photo Credits HDQWALLS Ang ingay ng alon sa dagat ang magsisilbing boses ko Ang simoy ng hangin ang magsisilbing presensya ko Ang mga bituin ang magsisilbing mga mata ko Ang buhangin ang magpapaalala ng pagmamahal na meron tayo Kahit dagat ang pagitan natin,hindi iyon magiging hadlang. At kahit dumating ang oras na nasa magkabilang mundo Hindi parin susuko sa oras o kahit pa sa pagkakataon, Andiyan ka at andito naman ako, huwag kang magalala nasa iisang mundo parin tayo, Kapag malulungkot ka,doon sa tabing dagat ka pumanta dahil doon hindi ka mag-iisa, Pagmasdan mo ang paligid, pakinggan mo ang alon,damhin mo ang buhangin at ipikit mo ang iyong mga mata, At doon yayakapin kita sa pamamagitan ng mga hangin na ang malawak na dagat ang may dala, Magtitiwala ako sa mga tala dahil alam ko dadalhin niya ako kung nasaan ka, Kaya hintayin mo,darating ako sa tabi mo,sa tabing dagat kung saan kadalasan kang sumisigaw ng “mahal kita”. Share this:Click to share on Facebook (Opens in new window)Click to share on Twitter (Opens in new window)Click to share on Tumblr (Opens in new window)Click to share on Pinterest (Opens in new window)Click to share on LinkedIn (Opens in new window)Click to print (Opens in new window)Like this:Like Loading... Related