KUMAPIT KA May mga pangyayari sa buhay na mhirap intindihin, Mga pagsubok na nagpapabigat ng damdamin, Problema na hindi alam ang solusyon at mahirap isipin, Mga pagsubok na mahirap iwasan at alisin. Maraming katanungan na mahirap sagutin Makakaramdam ng sakit,lungkot at poot na sobrang lalim. Hindi ka makabangon at hindi mo kayang lumaban ng mag-isa, Maiiwan ka, sa panahon na kailangan mo ng kasama, Manghihina ka,sa oras na nasa gitna ka ng alon, Hindi alam ang gagawin sa pagsabay-sabay ng paglagas ng dahon, Hindi alam kung paano tatayong muli at kung paano aahon, Ngunit sa kabila ng lahat ng problema at pasubok na nararanasan, Maraming bagay na kailangan isantabi at magpatuloy sa laban, Kailangan mo lang maging matatag at kumapit SAKANYA, Iwan ka man ng lahat SIYA hinding-hndi ka NIYA iiwan, Panghinaan ka man ng loob, bibigyan ka NIYA ng kalakasan, Bitawan ka man ng lahat, SIYA hindi ka NIYA papabayaan, Magulo man ang mundo at hindi mo maisip kung anu ang dapat gawin, Ipikit mo ang mga mata mo, pakinggan mo ang sigaw ng puso mo, May maririnig ka na boses na matagal ng sumisigaw para pansinin mo, At ito ang magbibigay pag-asa sa buhay mo na akala mo’y patapon na, “Anak,lumapit ka,bumalik ka,naghihintay AKO,mahal na mahal kita,kumapit ka SAAKIN hindi kita papabayaan” Share this:Click to share on Facebook (Opens in new window)Click to share on Twitter (Opens in new window)Click to share on Tumblr (Opens in new window)Click to share on Pinterest (Opens in new window)Click to share on LinkedIn (Opens in new window)Click to print (Opens in new window)Like this:Like Loading... Related