PANAHON Kahapon lang sabi mo mahal mo ako, ngunit bakit nagbago, Kahapon lang masaya tayo,ngunit bakit naging ganito, Kahapon lang kasama kita,ngunit bakit iba na ang kasama mo, Kahapon lang nangangarap tayo, ngunit bakit naglaho. *** Lahat nagbabago, lahat nawawala kaya hindi na ako magtataka, Paiba-iba ang panahon, ibat-ibang pagkakataon, ibat-ibang paraan, Isang araw magigising nalang sa katotohanan na hindi ka pala talaga mahal, Mawawala ang nakasanayan, at kahit mahirap kailangan tanggapin. *** Sa paglipas ng panahon, sa pagtahak ng magkaibang landas natin, Babaunin ang masayang alaala na ibinigay ng tadhana saatin, Iiwanan ang mga lungkot at ibabaun na sa limot, At haharapain ang panibagong panahon. Share this:Click to share on Facebook (Opens in new window)Click to share on Twitter (Opens in new window)Click to share on Tumblr (Opens in new window)Click to share on Pinterest (Opens in new window)Click to share on LinkedIn (Opens in new window)Click to print (Opens in new window)Like this:Like Loading... Related