Ang pag-ibig ay punong-puno ng hiwaga, hiwagang nagpapatungkol sa taong nagmamahal. Ang pag-ibig ay punong-puno ng halaga, halagang nagpatungkol sa kanilang dalawa.
Sa apartment, doon sila unang nagtagpo, walang ideya na hahantong sa araw na ito.Ngiti ang unang naging unang komunikasyon, hanggan sa pinahalagahan na parang edukasyon.
Sa maraming araw na sila’y naging tapat, masasabi kong sila’y karapat-dapat. Naging matatag sa bawat pinagdaanan, asahang silang dalawa’y walang hangganan.
Saksi ang Diyos, sa lahat ng pinagsamahan, kung paano kayo pinagbuklod ng totoong pagmmahalan, kung paano kayo nangako sa isat-isa na magiging masaya, at kung paano kayo naging mas matatag dahil sa pananampalataya
Alam niyong dalawa na mahal niyo ang isat-isa hindi kayo bibitaw hanggang sa huling hininga. Walang makakahadlang na kung sino pa man, at kayong dalawa lang habang buhay at magpakailanman.
Sa paghawak ng inyong mga kamay tila tadhana’y walang kamalay-malay. Nagsusuyuan at nag-ibigan ng walang sawa at walang humpay. Ito ang kwento ng dalawa na naging makulay.
Sa bawat pag-ihip ng hangin, sa bawat pag-sulyap at pagtingin, isa lang ang nasa dibdib at nasa isip, pangalan ay tibok ng puso maging hanggang sa panaginip.
Mga letrang M at H na bumubuo sa salitang Mahal -MAHAL ang naging tawagan . Nanabik sa pagsikat ng araw dahil sa pagmulat ng mata kapwa sila’y magkikita sabay haharapin ang panibago nilang estorya at doo’y bubuo ng sarili nilang pamilya. Kapwa biyaya ng Diyos na may kapal kapwa diyamante na sakanila’y ibinigay.