Photo from Wallpaperflare.
Maraming araw, linggo, buwan at taon, ngunit wala paring pagkakataon,
Saan na nga ba napunta ang inaasam na panahon?
Nasayang lang ang mga nabuong imahenasyon,
Buong akala ko sapat na ang ibinigay na atensyon.
Nasayang ang mga paghahanda sa ating pagtatagpo,
Saan nga ba nakatago ang binitawang mga pangako,
Tila hinangin na at nadala sa kabilang dako,
At ang kaunting pag-asa ay tuluyan ng naglaho,
Alam kong hindi na nating kayang ibalik ang dati,
At hindi na kayang ayusin at magsimulang muli,
Kung may pagkakataon lang sana na magkita, kung saan tayo unang nagkakilala,
Doon ko ipapaalala ang mga araw na minsan tayo nanging Masaya,
Isang araw pag gising mo sana bumalik ka, kung saan mo ako iniwan,
Kung saan doon tayo dati bumubuo ng mga masayang alaala,
Araw-araw akong babalik at hihintayin na muli kang makita,
Kung saan doon tayo mag papasya , kung ipagpapatuloy pa o tuluyang ititigil na.
Like this:
Like Loading...
Related