NAKAKAPAGOD

Lumalalim na ang gabi, ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula,

Hindi ko maisip kung anu ang pwedeng maging paksa nitong tula,

Naisip kong gumawa ng Masayang likha, ngunit ang damdamin ko hindi umaayon,

Ang utak ko ay tuyo at ang katawan ko ay parang lantang dahon,

Mas nakakapagod pala ang ngumiti kaysa ang umiyak kapag nasasaktan ka,

Mas  nakakapagod talaga ang magpanggap na ayos ka, kaysa mag pakatotoo ka,

Mas nakakapagod pala ang maghintay, kaysa yung maghahabol ka,

Mas nakakapagod pala ang manahimik, kaysa ang magsabi ng ayoko na,

Patawarin mo ako kung ako ang unang sumuko,

Patawarin mo ako kung ako ang unang lumayo,

Patawarin mo ako kung ako ang unang nagtago,

Patawad dahil ako ang dahilan ng mundo mong gumuho,

Nakakapagod ang kumapit kung sugatan na,

Nakakapagod ang paulit-ulit na umasa,

Nakakapagod, kapagod, pagod na ako ,patawad pagod na ako,

Kaya tama na,itigil na,tama na ang umaasang maaayos  pa.

Leave a Comments